2666
1.9k shares, 2666 points

Hi! Share ko lang story ko kung paano naging malaki ang epekto ng pagttravel sa buhay ko. Medyo mahaba pero share ko na din. Ang lakas kasi talaga ng impact ng pagttravel sa akin.

November 2014 ang pinaka-una kong solo travel. Sobrang hirap magpaalam sa parents. Alam naman nating mga Pinoy ‘to; kahit nagttrabaho ka na and all, kadalasan, kailangan pa rin talga magpaalam sa mga magulang kapag aalis. Kung anu-anong sinabi ko nun sa parents ko para lang mapayagan ako. Gusto kasi nila may kasama ako pag umaalis. Sabi ko naman sa kanila, hindi naman lahat ng lakad ko ay may makakasama ako. Syempre yung mga friends ko naman, hindi naman palaging pareho kami ng gusto gawin or puntahan. In the end, pinayagan din naman nila ako. Local lang naman. Sa Palawan ang una kong pinasyalan. Masaya siya. Hawak ko ang oras ko at nagawa ko ang lahat ng gusto ko. May mga na-meet pa akong missionaries nun. Sila ang una kong nakilala mula sa pagsosolo travel ko. Tapos pinag-pray over nila ako; na sana ay maging safe ako lagi dahil nalaman nilang mag-isa lang ako nagttravel.

 

Unang solo travel ko. Sa Dos Palmas ito sa Palawan. Kinausap ko lang yung isang staff dun para magpa-picture. Hindi pa uso ang selfie stick ng mga panahong to.

Unang solo travel ko. Sa Dos Palmas ito sa Palawan. Kinausap ko lang yung isang staff dun para magpa-picture. Hindi pa uso ang selfie stick ng mga panahong to.

December 2014 nung unang out of the country trip ko na walang adult na kasama. Ako na mismo ang adult. 22 years old ako nito. Nakaalis naman na ako ng bansa before, pero lahat ng alis na yun, palaging with the family. Ito, ang kasama ko lang ay yung nakababatang kapatid ko and isa kong college friend. Hectic ang schedule ng parents kaya di sila nakasama. Seoul, South Korea! Omg! Ang saya! First time ko maka-experience ng snow sa tanang buhay ko! And ang saya ng feeling talaga na DIY lang yung trip namin (para tipid) tas nakasurvive kami. Medyo dito nagstart mag-ignite yung kagustuhan kong mag-independent travel; in such a way na hindi na kailangan ng mga tour agencies. Keri naman eh.

seoul.jpg

Seoul, South Korea. Sobrang saya ko dito. Winter kami nagpunta ng kapatid ko at kaibigan ko, kaya naman tuwang-tuwa talaga kami pag nagssnow.

February 2015. Feb ang birth month ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang idea kong ito, pero basta, naisipan kong gusto ko magbackpacking mag-isa sa Europe! Yes, Europe and mag-isa! Sabi ko, birthday gift ko sa sarili ko. Syempre sobrang pahirapan talaga magpaalam sa mga magulang. Unang solo travel ko, Palawan lang. Tapos, biglang Europe agad. Mayroon akong online best friend from Czech Republic. 3 years na kaming magkakilala pero never pang nagkita. Hindi kami nakakalimot na magkamustahan. So, sinabi ko din sa parents ko na meron din naman akong kakilala dun. Meron din akong mga naging friends from my local travels (Boracay ganern) na European, meron pang half Filipina. So sinabi ko din sa kanila na if magkaroon man ng problems pag nasa Europe ako, may mga contact naman ako. Sobrang tagal ko nun bago payagan. After ilang buwan ng paglalambing, pinayagan na din ako! Yasss! Pagkababa ng eroplano sa Paris, wala akong masabi kundi “wow”. Puro wow lang talaga ang lumalabas sa bibig ko. Naiyak-iyak pa ako nun kasi I feel so blessed at nagagawa ko yung mga bagay na yun. Sobrang sarap sa feeling. Kakaiba talaga yung sense of independence. Yung pakiramdam na na-eelibs ka sa sarili mo, kasi kahit wala ka namang alam sa lugar na pinuntahan mo, eh nakasurvive ka. At higit sa lahat, masaya ka sa ginagawa mo. Na-meet ko din pala sa wakas yung online best friend ko. Akala ko Pilipino lang ang hospitable, hindi pala. Sobrang alagang alaga ako ng family niya and sinurprise pa nila ako nung birthday ko. Along the way, mineet ko dun yung mga friends ko sa mga bansa-bansa nila. Hala ayon, pag-balik ko ng Pinas, sabi ko sa sarili ko: Bet na bet ko na ang solo traveling! Ang saya! Dami pang mami-meet from all over the world.

paris.jpg

Eiffel tower! Sobrang hindi ko ma-explain ang feeling. Dati-rati lang, nakikita ko siya sa TV at sa internet lang. Tapos itong araw na ‘to, nakita ko na siya sa totoong buhay. Naiyak ako, pramis.

surprise.jpg

Kasama ko dito si Petr tsaka yung mama nya. Siya yung online best friend ko. 3years kaming through the internet lang mag-usap at ito ang pinaka-unang beses namin magkita. Birthday ko nito at sinurprise nila ako ng birthday cake and flowers.

leanna.jpg

Siya yung half-Filipina and half-Dutch friend na nakilala ko din sa local travels ko. Nagbakasyon lang siya nun dito. Kaya nung nagpunta akong Amsterdam, binisita ko siya.

 

May 2015. Nangati nanaman yung paa ni manay. Hala, naadik na. Sabi ko, gusto ko ulit ng international solo travel! Ayun, nakakita ako ng promo papuntang Japan. Tokyo ang entry point tapos Osaka ang exit. Dito ako unang naiwanan ng eroplano! Kasi naman, ang talino ko, akala ko 11:50pm ang lipad pauwi, 11:50pm pala ang dating ng Pinas! Hahahaha. 8pm flight ko, tapos 6pm na namamasyal pa ako. Mga 2hrs away pa sa airport yun. Hahaha. Ayun, iyak tawa. Pero laking pasasalamat ko na may Pilipina akong kakilala na nakatira sa Osaka. Inampon nila ako ng ilang araw para makatipid ako sa bayad sa hostel. Napagastos kasi ako nang di-oras para sa bagong plane ticket.

fukuda.jpg

Sila ang Fukuda family. Inampon nila ako nung naiwan ako ng eroplano ko pauwi ng Pilipinas. Pinasyal nila ako at pinakain ng masasarap na Japanese food sa tahanan nila. Sa Kobe itong picture na ‘to. Kung saan shinoot ang Ultraman Gaia. hahahaha

Natapos ang taon at nakapag-travel naman ulit ako nang ilang beses. Pero kadalasan, local lang (mga tipong Sagada, ganern) and kung international man, may mga kasama akong friends or family.

Feb 2016. Birth month ko ulit! This time Australia naman! Hala ang mahal ng mga bilihin. Sobrang saya ko pero yung bulsa ko umiiyak. HAHAHA. Sobrang ganda sa Australia. Wala akong masabi. Dito na ko may naramdaman na medyo weird. Sabi ko sarili ko, oo, masaya nga ako pero parang kulang talaga e. Hindi ko alam kung ano. Alam nyo yun, ang ganda ng mga view, tapos ang saya ng mga na-eexperience mo, pero at the end of it all, mag-isa ka lang. May kulang.

aus.jpg

New South Wales, Australia. Dito na ko nagsimulang maging medyo senti. Ang ganda kasi ng lugar, pero mag-isa lang ako. Masaya, na medyo malungkot.

April 2016 nung inimbitahan ako ng isa kong Polish friend, na nameet ko din while traveling, sa kasal niya. Sakto, birthday month din ng bestfriend ko sa Czech Republic. So ayun, solo lagalag ulit si ati. Oo, sobrang saya. Syempre sino ba naman ang hindi magiging masaya? Nasa Europe ka. Nakakakain ka ng pagkain nila, nakakapasyal ka sa mga lugar na pinapangarap mapuntahan ng marami, at sinwerte pang maka-attend ng wedding dun. Pero andun nanaman yung feeling na may hinahanap ka pero hindi mo alam kung ano. May kulang talaga e.

petrbday.jpg

Bumalik ulit ako ng Europe. Spring time. Birthday iyon ng online bestfriend ko (at ng kakambal nya) hehe.

wed.jpg

Naka-attend din ako ng Polish wedding. Sobrang daming pagkain. 7pm palang, nagseserve na ng food. 3am na, hindi pa din tapos. First time ko maka-attend ng foreign wedding. Ang saya. Sayawan lang talaga buong magdamag.

October 2016 nung nagdecide akong mag-quit sa work ko. Almost 4 years na din ako dun sa work ko na yun. Sobrang thankful ko sa mga staff ko dun kasi laging pinapayagan yung mga request kong VL.

November 2016. Sinabi ko sa sarili ko, time to find yourself. Alamin mo na kung ano ba talaga yang kulang sa’yo. Get out of your comfort zone. Lumipad ako papuntang Vietnam na walang ka-alam alam kung anong naghihintay sa akin dun. Wala din akong sure date kung kelan ako uuwi.

ss.jpg

Ito yung post ko nung nasa airport na ako papuntang Vietnam. Sobrang umiiyak talaga ako nyan. Kasi hindi ko sure kung ano ang magiging kapalaran ko dun and di ko rin alam kung kelan ko ulit makikita ang mga mahal ko sa buhay.

Nagpunta ako dun para mag-change career. Magtuturo ng English. Sinubukan ko, pero hindi nag-click e. Di ko nagustuhan. Hindi para sa akin. So hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayaw ko naman umuwi agad. Parang walang napuntahan yung pagsubok ko sa sarili ko sa ibayong dagat. Sakto naman, nangagailangan ng volunteer sa hostel na tinutuluyan ko. Kinuha ko, kahit walang sweldo. Okay lang. Libre bahay and food naman. Hmm, ang ginagawa lang namin ay maki-mingle sa guests. Makisaya at maki-party. Hanggang sa isang gabi, may nakilala akong isang Canadian. Nag-usap kami, tapos ewan ko kung paano napunta dito yung usapan namin pero nagdecide kaming magttravel kami together. Nung una talaga, hindi ko alam kung sisiputin ko siya or i-ghost ko nalang siya. Kasi paano kung hindi naman kami magkasundo? Edi wala din. Pero sabi ko sa sarili ko, wala namang mawawala. Kung hindi kayo magkavibes, edi balik sa pagttravel solo ulit.

awk.jpg

Ito yung mga first few weeks na magkasama kami magtravel. Medyo awkward pa. Ibang-iba pa din ang mga hitsura namin diyan.

 

December 2016. Nagstart na kami magtravel mag-kasama. Syempre, awkward sa una. Pero nung tumagal, mas nagiging masaya ang pagttravel namin. Lagi lang kami nagtatawanan at nagkkwentuhan; nagshe-share tungkol sa mga buhay-buhay namin. Hanggang sa naging close na kami at mas lalo pa namin na-eenjoy ang company ng isa’t-isa. Little did we know, dito na pala magsisimula ang love story naming dalawa.

 

January 2017 kami naging official. Hehe Ang bilis lang, alam ko. Pero para sakin kasi, pag gusto nyo na ang isa’t-isa, wag na pabebe. Wag na patagalin. Umalis kami ng Vietnam at nagpunta na ng Cambodia.

cambo.jpg

Ayan. Diyan kami sa Siem Reap, Cambodia. The day after nitong picture na ito, naging official na kami. hihi

 

May 2017. After backpacking in 7 Asian countries for 7 months, nakauwi na ako ulit sa Pilipinas. I am now a better version of myself. Simula nung umalis ako nung November last year, marami na ang nag-iba. I have found my true and inner happiness. Matapos ko magtravel mag-isa sa loob ng halos tatlong taon.. ito na pala ang sagot sa matagal na palaisipan sakin. Siya na pala yun. Natagpuan ko na ang totoong kaligayahan ko. Siya ang kumumpleto sa akin. The experiences, the views, everything was twice as amazing because I finally have someone to share it with. Totoo nga ang sabi nila, aanuhin mo naman ang lahat ng kayamanan sa mundo kung mag-isa ka lang? Happiness is only real when shared.

GOPR0309a.jpg

Isa sa mga paborito naming bansa na napuntahan ay Laos. Ang ganda! Mother nature in her finest talaga. At saka mura ang bilihin tapos mababait ang mga tao. Visa-free din tayong mga Pinoy dito.

GOPR0369a.jpgWala sa plano na magpunta kami ng Myanmar. Pero it turns out, ma-eenjoy pala talaga namin ang bansang ito.

GOPR0498a.jpgAng India din, hindi kasama sa original plans namin. Hindi ko masasabing nagustuhan namin ang India. Pero memorable sa amin ‘to, kasi sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa amin sa bansang ito (na-scam kami, na food poison at naka-experience kung gaano kadugyot ang India), ay kasama naman namin ang isa’t-isa. Bawing-bawi na agad.

G0341100a.jpg Ito ang isa sa mga pinaka-favorite naming beach. Sa Coron, Palawan. Simula nung nakilala ko siya, wala na talagang doubt na dumating na ang matagal ko nang hinihintay. Wala nang kulang. Finally, sinagot na ni Lord ang mga dasal ko.

August 2017. Present. Ito, back to normal na ulit. May work na ulit ako. Balik na ulit sa dating field ng career ko. Same career pero different me. Hindi na naliligaw, at talaga namang mas maligaya na.

 

PS. LDR po kami ngayon ni BF, pero po naka-set na pong magkita ulit kami this coming December. Konting kembot nalang. Hihi.

Facebook Comments


Like it? Share with your friends!

2666
1.9k shares, 2666 points
katiepatootie