2728
4.2k shares, 2728 points

Sabi nila makakamove-on ka raw sa pag-akyat ng bundok?, At isa pa ang kanta ng Urbandub, “Time has a way of healing”, Naka ilang bundok na ako, nag Day hikes, or sinasabi nilang Die Hikes, di dahil mahirap o mahaba ang lalakarin, Die Hike kasi parang unti-unti akong pinapatay tuwing naalala ko ang mga alalala natin, Die hike kasi patay na patay ako sayon noon. Die hike kasi naalala ko ang patay na kuko nung nakasabay natin sa hike sa Tarak Ridge. Die hike kasi namatay na rin ang feelings at pagmamahal mo sakin. 17311380_10203053188648636_5642930553386209219_o.jpg

Overnight camping bundok, mas lalo ka lang nagiging wasak, kasi may Socials means nun may ALAK! Alak di dahil may balak,  alak kasi para sa pusong wasak!, Alak pampalakas ng loob, kaya siguro na nasabi mo sakin na di mo na ako mahal, di pala yan ang pagkakasabi mo ito ang masaklap “Di pala kita minahal, kaibigan lang kita, ano ka ba”, kita mo? lumalakas ang loob. Wasakan lang sa alak wag wasakan ng puso, ‘di lang wasak eh Wakas eh, winakasan mo eh.PA153800.jpg

(I can tell you of the reward of reaching the summit after enduring difficulties and hardships – or the relief of getting back home safe and sound.

I can tell you how my spirit soars each time I climb. Or how my heart is filled with gladness whenever I have the privilege of standing on a mountaintop.

And of course, I can speak of the joy of sharing such special moments with friends and loved ones.

-Gideon Lasco)

Yan ang mga katakagang nakatatak sa isip ko, for now, masaya naman talaga umakyat ng bundok! di mo lang talaga maiwasan na humugot, pag nahihirapan ka, bawat hakbang at pag hinga sa trail dati magkasama tayo ngayon mag-isa na lang ako, Dati inaalalayan kita tapos ngingiti ka, ngayon iba na inaalalayan ko, pero ikaw pa rin ang naiisip ko. Dati pag nadudulas ako sa trail pangalan mo ang nasisigaw ko, ngayong wala ka na Shet na lang nasisigaw ko. Pag walang clearing sinasabi mo, “okay lang yan andito naman ako sa tabi mo, kitang kita mo naman ako”, nagyon wala na ngang clearing wala pang view.

IMG_0936-1.jpg

Sa pagtatapos ng hugot ko na ‘to, masasabi ko na the best pa rin ang mamundok! Solid! Ang mga hugot sa bundok parang nagiging joke na pero half-meant talaga yun.  Kaya sa mga makakabasa ng kwento ko eto ang reminders ko:

*LNT (Leave No Trace) principles apply to all participants
– Leave nothing but footprints (FEELINGS)
– Take nothing but pictures, para may alala kayo
– Kill nothing but time (her/him, di joke lang, memories niyo lang)
– Keep nothing but memories para may iiyak ka pag wasak ka nanaman sa alak

* dispose of waste properly – all your trail food wrappers/tissue/etc itago lng sa bag, pag baba na ng bundok itapon sa trash bin, especially yung pagmamahalan niyong naluma na.
* respect wild life – avoid disturbing/ feeding and most of all killing any animals. Malay mo sila lang ang mag-mahal sayo.
* leave the trees/rocks/plants as you found them. Do not vandalize. Ayaw ko talaga ng mga pusong naka ukit sa puno or sa bato. Lamporber
* do not go off trail or create new trail, Isa daan lang wag kumaliwa, jan nagsisimula ang break-up
* be courteous and give way to other hikers, Yan na yung chance mo makahanap ng bagong jowa.

go!

Facebook Comments


Like it? Share with your friends!

2728
4.2k shares, 2728 points