2683
2683 points

Hindi malapit pero kumakapit, may tiwala kasi.

Sabi nga nila "Distance means nothing when someone means everything" Mahirap talaga ang LDR kasi kailangan mas malaki ang tiwala kaysa sa pagmamahal. Kailangan mong alisin yung mga doubts at what if sa relasyon ninyo dahil magkalayo kayo.

Madaling magtiwala pero may tiwala ba sa'yo yung pinagkakatiwalaan mo? Hindi kasi pwede yung "May tiwala" lang dapat may "tiwala sa isa't-isa". hindi magwowork ang remote control ng tv kung walang battery, kung may tiwala ka pero wala yung isa , aba baka hindi kayo umabot sa first monthsary.

Wag kang bantay sarado, iwasan mong manakal dahil yan pag nasakal iiwan ka niyan. wag mong laging bantayan malaki na siya alam na niya ang tama at mali, at pag hinayaan mo siya doon mo mapapatunayan kung dapat ba o hindi siya pag katiwalaan.

Tiwala sa isat-isa, diyan kayo dapat mamuhunan hindi sa 100% na pagmamahal lang at wag kang magisip ng kung ano ano wag kang paranoid.

Photo by Pablo Heimplatz on Unsplash

Facebook Comments


Like it? Share with your friends!

2683
2683 points