2733
2733 points

Niyaya ka niyang mag-travel hindi para mag rest, kundi para makasama ka for the rest of his life.

Ikaw ba yung babaeng naiinip na, natatagalan na, nagmamadali na hindi dahil mahuhuli ka na sa train kundi dahil magti-trainta ka na, nakakapressure diba?

Oo alam ko, matagal ka nang naghihintay kung kailan siya luluhod sa'yo, wag kang mainip baka naman humahanap lang ng chance. Hindi kaya yung chance na inaatay niya ay lagi mong namimissed?

Wag kang mainis, Baka naman kaya ka niya niyayang magtravel kasi gusto ka na rin niyang yayaing magpakasal, tapos ikaw naman itong si "Busy ako" hindi tuloy matuloy tuloy na kayo ay magkatuluyan habang buhay.

Oo, marami tayong ginagawa pero may mga pagkakataon na di mo dapat palampasin pag niyaya ka ng taong mahal mo na magkape, magtravel, mamili or kung saan man, wag mong tanggihan baka kasi yung na yung time na hingiin niya yung permiso mo para siya ay pakasalan.

Tara, travel tayo!

Photo by Ben White on Unsplash

Facebook Comments


Like it? Share with your friends!

2733
2733 points